Kim Chiu ayaw mag-post ng bikini photo sa socmed: It’s not my personality!

 

KIM CHIU

MARAMING fans and followers si Kim Chiu ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpo-post ng mga bikini photos sa kanyang Instagram account.

Wala raw ba siyang planong ipasilip sa netizens ang kanyang kaseksihan lalo na ngayong summer? Siguro raw it’s about time para magpakita naman siya ng konting skin tulad ng mga ibang Kapamilya stars like Erich Gonzales, Nadine Lustre at iba pa.

“No naman kasi iba naman kami ng mga branding. And our Instagram feed is who we are and what we want to do and that’s our personal page.

“And I am not naman into making pakita my whole body so it’s not my personality and then it’s their Instagram and this is my Instagram and we all have our own followers. Iba-iba naman kami,” ani Kim sa isang panayam.

In fairness, marami ang nagsasabi na mas gumanda ngayon ang katawan ni Kim dahil nagkalaman siya nang kaunti hindi tulad noon na payatola at patpatin.

Kahit daw super busy ang schedule ni Chinita Princess, nagagawa pa rin niya ang mag-exercise at magpunta sa gym “My workout routine usually I do spinning sa house. I watch yung mga indoor spinning videos sa YouTube so meron dun mga 20 minutes, 30 minutes, 45 minutes, an hour, two hours.

“So it depends sa time na meron ako so I do indoor bike sa house naminand it really helps when you just put binders sa waist mo to add more sweat sa tummy area which is really stubborn fats para sa lahat ng girls. So that really helps,” aniya pa.

Read more...