AlDub kanya-kanyang rampa sa Semana Santa

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

UMARYA na naman ang pagiging fashionista ni Maine Mendoza sa kanyang OOTD (outfit of the day) na ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong nakaraang araw.

Walang lokasyon kung saan nagbakasyon si Meng pero sa background at komento ng ilan niyang followers, feeling nila eh nasa Japan ang Phenomenal Star.

Caption ni Meng sa foto niya, “What better way to deal with problems than to enjoy them.”
Si Alden Richards naman, walang lokasyon din ang pinost sa IG ng kanyang Daddy Bae (Richards, Sr.). Kasama naman niya sa foto ang buong pamilya pati lolo at lola.

Sa Dakak sa Zambonga ang nabanggit ni Alden na bakasyon nila ng kanyang pamilya. Ito kasi ang tanging panahon na may oras siya para maka-bonding ang pamilya. Sa ganitong bonding siya nagiging normal na Richard dahil wala silang pinag-uusapan tungkol sa pagiging artistaa niya.

Mula sa Zamboanga, diretso si Alden sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna, upang doon palipasin ang Biyernes Santo hanggang Easter Sunday.

q q q

Si Gerald Anderson ang isa sa gustong makapareha ni Mariel de Leon ngayong tuluyang na siyang pumasok sa pag-arte.

Ang Bb. Pilipinas-International 2018 ang latest Regal Millennial Baby matapos pumirma ng two-year movie contract sa Regal Entertainment last Tuesday.

Kung siya ang papipiliin, gusto niyang gumawa ng action films dahil karamihan ng gumagawa ng maaaksyong eksena ay mga lalaking artista. Saka lang nagbago ng isip niya na magseryoso sa acting matapos niyang gawin ang “Ang Panday” ni Coco Martin.

Lahat daw ng projects niya ay ipinapaalam muna niya sa kanyang father na si Christopher de Leon. Weird lang para sa kanya ang umakting kasama ang magulang, huh!

So, handa na ba siyang magpaseksi sa screen? “Pag sexy na ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Mariel.

Present sa contract signing ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde, ang manager niyang si Leo Dominguez at amang si Boyet de Leon.

Read more...