Mga nagpapakalat ng pekeng gamot arestuhin- Du30

 

INATASAN ni Pangulong Duterte si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa

na arestuhin ang mga sangkot sa pagpapakalat ng pekeng gamot sa bansa.

Sinabi  ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na pinapakasuhan din ni Duterte ang mga mahuhuli ng economic sabotage.

“(The) President ordered the PNP Chief to arrest persons who manufacture, import, trade, administer, dispense, deliver, distribute, fake drugs and charge them with economic sabotage,” sabi ni Panelo

Idinagdag ni Panelo na base sa pag-aaral noong 2011, 46 porsiyento ng  biglaang gastos ng mga Pinoy ay napupunta sa gamot, kung saan 55 porsiyento rito ay mula sa mga marginalized sector.

“Substandard and falsified medicines have become a global pandemic, impacting the safety of patients around the world. It is estimated that 10 percent of the world’s medicines are counterfeit on average, with peaks of up to 70 percent in developing countries,” ayon pa kay Panelo.

Ito’y matapos naman ang babala ng Food and Drug Administration (FDA) kaugnay ng pagkalat ng mga pekeng paracetamol sa merkado.

“The purchase and use of the fake medicines, including fake paracetamol, poses potential danger or injury to consumers,” sabi no Panelo.

Read more...