DEAR Ateng Beth,
Tulungan mo po naman ako na makapag-decide kasi naguguluhan po ako sa sitwasyon ko ngayon.
Mag-iisang taon na pong hiwalay ang mga magulang ko. Sa aking lola po ako nakatira ngayon dito sa Leyte.
Pero sa darating na Hunyo ay luluwas na ako ng Maynila para diyan mag-aral. Hindi ko po alam kung kay nanay o kay tatay ako maninirahan.
Galit ako sa kanila pareho, ayaw ko talaga silang makasama, pero wala akong choice dahil kailangan kong mag-aral. Hindi kaya ni lola na mag-boarding house ako kasi wala raw titingin sa akin, at dagdag gastos pa. Ano kaya ang gagawin ko? Help po.
-Rachel, Leyte
Hello ate Rachel!
Sabi mo nga, wala kang choice. So gawin mo ang dapat mong gawin. Mag-aral kang mabuti at hopefully maging mas mabuti kang adult kaysa sa mga magulang mo.
Tungkol sa problema ko kung saan ka dapat tumira, magpakapraktikal ka na lang. Doon ka tumira sa mas close ka—pero dahil galit ka nga sa kanila pareho, doon ka pumisan sa mas malapit sa school dahil makakatipid ka sa pamasahe.
Ano man ang dahilan ng galit mo sa iyong mga magulang dahil sa kanilang paghihiwalay, sana lang tingnan mo sila in the context na tao rin sila na nagdaramdam, nagkakaproblema at nasasaktan.
Hindi pwedeng ikaw lang na anak nila ang kanilang iisipin. Meron din siguro silang gustong gawin o mangyari sa buhay nila. So bago o ituloy ang galit mo at mas makasama sa iyo, aralin mo ring magpatawad.
Am telling you, mahirap mag-aral pag galit ka! So learn to forgive and move on, ate!
May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253