NAKANTI ang pride ng nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer sa nalasap na kabiguan kontra Magnolia Hotshot sa unang laro kaya mas naging maingat sa Game Two sa paghugot ng 92-77 panalo sa PBA Philippine Cup best-of-seven championship.
“Nakanti ang pride,” sabi ni San Miguel Beer coach Leo Austria. “We learned our lesson from the last game. We are very disappointed and frustrated kami the last time.”
Magpapahinga ang liga para gunitain ang Semana Santa at magbabalik sa Linggo para sa Game Three.
Sa unang laro ay nakapagtala ng 20 puntos na bentahe ang Beermen pero binura ito ng Hotshots na nanalo, 105-103.
“We’re happy to tie the series. Mahirap kung 0-2 down kami going to the Holy Week break. Instead, it is 1-1 and we’ll reflect during the break. We’ll try to find the best way to make it two in a row sa Easter Sunday,” sabi pa ni Austria.
Puntirya ng Beermen na matuhog ang ikaapat na diretsong all-Filipino title at ika-25 championship sa kasaysayan ng PBA. —Angelito Oredo