Cesar etsapwera sa ‘moving up ceremony’ ng 2 anak; Macky, Sunshine buhay ‘mag-asawa’ na


ETSAPWERA si Cesar Montano sa moving up ceremony ng mga anak na sina Angelina at Chesca.

Ang boyfriend na si Macky Mathay ang kasama ni Sunshine Cruz at ng kanyang mga anak sa mga nakita naming Instagram fotos na kuha sa nasabing ng seremonyas.

Sa post ni Shine, 2nd honouree ang bunso niyang si Chesca sa kanilang klase habang si Angelina ay tumanggap ng Exemplary Conduct Award mula sa De La Salle Zobel School.

Pinasalamatan ni Sunshine si Macky sa pagdalo sa importanteng okasyon ng mga anak. Dahil dito, may mga netizen ang nagsabi na parang mag-asawa na rin ang magdyowa dahil si Macky na ang tumatayong ama ng mga anak ni Shine.

May netizen na nagtanong sa aktres sa paggamit ng apelyidong Montano ng mga anak. Sagot ni Shine, “Matagal na pong legalize ang Montano surname.”

Read more...