Gerald sa relasyon nila ni Bea: Ayos naman, steady lang po!


SA maikling pahayag ni Gerald Anderson tungkol sa current status ng relationship nila ni Bea Alonzo, mukhang hindi naman totoo ang tsismis na hiwalay na sila.

Kumalat kasi ang chika na nag-away sila ni Bea nang dahil sa leading lady niya sa pelikulang “My Perfect You” na si Pia Wurtzbach. Nasa Greece ngayon ang binata kasama ang ilang Kapamilya stars para sa DZMM’s Global Pinoy Singing Idol.

Sa panayam ng ABS-CBN Europe News kay Gerald, sinagot niya ang tanong na, “How’s your love life?” Maikling sagot ng aktor, “Ayos naman, steady naman.”

May tsismis na nagselos daw si Bea kay Pia kaya in-unfollow niya ito sa IG pati na rin ang kanyang boyfriend.

Read more...