Palasyo sinuspinde ang pasok sa gobyerno simula tanghali bukas

 

SINUSPINDE ng Palasyo ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno simula tanghali bukas para bigyan ng sapat na oras ang mga kawani ng pamahalaan para sa paggunita ng Mahal Na Araw.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular 43 ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sinabi niya na hanggang alas-12 lamang ng tanghali ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno.

Inaasahan ang pag-uwi ng mga Pinoy sa kani-kanilang probinsiya para doon gunitain ang Mahal Na Araw.

Idineklara namang regular holiday ang Maundy Thursday at Black Saturday.

Balik sa trabaho ang lahat sa Abril 2.

Read more...