Matteo pinagbintangang niloloko si Sarah, basher tinawag na ‘idiot’

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

UY, grabe ha! Pero ramdam namin ang galit kay Matteo Guidicelli nang sagutin niya ang isang basher sa social media.

Paano kasi, gumamit na siya ng salitang “idiot” patungkol sa malisyosong komento ng isang netizen na umano’y nakikipag-flirt ang aktor sa isang babaeng nakasama niya sa gym.

Buhat-buhat kasi ng BF ni Sarah Geronimo ang isang girl sa kanyang balikat na agad nilagyan ng malisya ng mga bashers at haters ng binata.

Hayun, hindi nakapagpigil ang mabait at disenteng aktor-singer na sumagot ng, “That’s working out idiot!”

Beeehhhh! Buti nga sa inyo Ha-hahahaha! Minsan lang sumagot ng basher ‘yang si Matteo kaya inga-ingat ang mga gustong sumira sa relasyon nila ni Sarah G.

Read more...