Pia malaki ang ‘utang’ kay Vice: Ikaw ang fairy godmother ko!


“FAIRY godmother” ang turing ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Vice Ganda. Isa raw ang TV host-comedian sa mga taong malaki ang naitulong sa kanyang career bilang beauty queen at bilang aktres.

Binati ni Pia ng “happy birthday” ang Unkabogable Star sa Gandang Gabi Vice last Sunday kasabay ng mensahe kung bakit sobrang thankful siya kay Vice.

“Unang-una, siya po ‘yung judge noong nanalo ako sa Binibining Pilipinas. Pangalawa, binasbasan niya rin ako ng bertud noong bago ako lumaban sa Miss Universe, dito, mismo (GGV)! Number three, siya rin yung unang nag-interview sa amin ni Marlon (Stockinger) ever. Dito din yun! Tapos, number four, sinama niya ako sa movie niya na naging sobrang blockbuster hit na ‘The Revenger Squad.’”

Dugtong pa niya, “Dream ko kasi talaga na magkaroon ng malaking movie, na makita ko yung pangalan ko sa credits sa simula ng pelikula.” At parang si Vice na rin daw ang tumupad nito dahil siya ang napili para makasama nila ni Daniel sa pelikula.

“And I really feel that that role could be any beauty queen (role na Kweenie sa ‘Gandarrapido). Hindi lang naman ako talaga pero ako yung naisip mo, ako yung napili mo so thank you so much. I’m really so grateful. Salamat sa generosity mo sa aming lahat,” chika pa ng beauty queen-actress.

Hirit pa ng dalaga, “Ako tinatawag nila akong queen pero, behind this queen is a fairy godmother and ikaw yun. You’re my fairy godmother.”

Ito naman ang naging mensahe ni Vice sa dalaga, “Ako ang pinaka panghahawakan kong first. Ikaw yung first and only Miss Universe na naging kaibigan ko and I am so proud of that. At yung sinasabi mong it could have been anyone else, no. That’s for you. Kweenie can only be Pia.”

Read more...