‘Sumpa’ ng showbiz wa epek kay Ejay Falcon

EJ FALCON

SPEAKING of Ellen Adarna, isa sa mga naging manliligaw dati ng sexy star ay si Ejay Falcon. Magkasama sa seryeng Passion de Amor sina Ejay at Ellen. Peo tumigil din nang panliligaw si Ejay sa aktres.

Later on, inamin ni Ellen na siya mismo ang nagpatigil kay Ejay na ligawan siya. Just imagine, kung nagkatuluyan sila ni Ejay, e, baka hindi naging sila ni John Lloyd ‘di ba? For sure, ‘di kukuning ninong ni Ellen si Ejay ng magiging baby nila ni John Lloyd.

Ang maganda rito, happy na rin naman si Ejay sa kanyang lovelife ngayon – mukhang sa kasalan na rin mauuwi ang relasyon nila ng dating Kapuso star na si Jana Roxas. Ibig sabihin lang nito, di umubra ang sumpa ng showbiz sa aktor dahil swerte na siya sa career, panalo pa sa lovelife.

Speaking of Ejay, isa na namang ‘di malilimutang performance ang ipinamalas ng aktor sa longest drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya last Saturday hosted by Charo Santos.

Nakasama ni Ejay sa episode ng MMK sina Hero Angeles at Angelo Ilagan na gumanap bilang magkakapatid. Sinubukang humanap ng magandang kapalaran ang karakter ni Ejay malayo sa kanyang pamilya. Pero ‘di rin siya naging matagumpay hanggang sa makulong sa piitan.

Ito’y idinirek ni Nuel Naval mula sa panulat ni Akeem del Rosario. Ang MMK ay pinamamahalaan ng business unit head na si Roda dela Cerna.

Read more...