True ba, John Lloyd, Direk Cathy nag-away dahil kay Ellen?
NALALAPIT na ang pagsilang ng anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Curious ang marami kung babae o lalaki ang firstborn nila. And of course, kung sino ang kamukha ng baby.
Another 1 million dollar question ay kung magpo-post din kaya ang magdyowa ng picture ng magigig baby nila sa social media. O, baka naman gusto muna nilang i-keep ang privacy ng kanilang first baby at i-enjoy ang bata within the family.
Posible rin naman dahil sa sobrang kalilgayahan nila at pagiging proud parents, e, i-display na rin nila ang picture ng baby sa socmed. And why not? For sure, isa sa pinakamagandang celebrity babies ang anak nina Lloydie and Ellen.
Sinabi ni Direk Cathy Garcia Molina sa “Name the Kapamilya Star” segment sa Tonight With Boy Abunda na sobra na niyang nami-miss si John Lloyd. She even shouted, “I miss you Lloydie!”
Napabulalas tuloy ng tanong si Direk Cathy para kay John Lloyd on air kung nasaan na ba talaga ang binata? She even made an appeal na magpakita sa kanya ang paborito niyang aktor dahil matagal na raw na hindi niya nakikita si John Lloyd. Ni text din yata ay ‘di nagpaparamdam sa kanya ang aktor.
More than director-actor kasi ang relasyon nina Direk Cathy at John Lloyd as she revealed sa programa ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda. When she was asked kung sino naman ang Kapamilya star that changed her life, si John Lloyd pa rin ang pinili niya.
In one of our interviews with Direk Cathy, katatapos lang ng Pasko noon and we asked her kung paano niya sinelebreyt ang holiday. Nag-stay daw sila ng mga anak niya sa isang five star hotel na all-expenses paid ni John Lloyd.
Si John Lloyd din daw ang aktor na nakatrabaho niya na nakatampuhan niya nang bonggang-bongga, pero hindi niya nasabi kung matagal na ‘yun or recently lang. Bigla tuloy naglaro ang maraming katanungan sa isip namin gaya na lang kung may kinalaman kaya doon si Ellen? Ito kaya ang dahilan ng matagal na ‘di nila pagsasama muli sa isang proyekto?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.