LizQuen gabi-gabing trending sa Bagani; wagi sa rating


MULING pinatunayan nina Liza Soberano at Enrique Gil ang kanilang “magic” sa patuloy na paghataw sa ratings game ng kanilang bagong primetime fantasy series na Bagani.

Puro papuri ang ibinibigay sa kanila ng viewers at ng mga netizens sa ipinapakita nilang pagganap sa serye, lalo na sa kanilang mga fight scenes. Napakalaki na rin daw ng improvement sa akting at pagsasalita ng Tagalog ni Liza kumpara sa mga nakaraang niyang mga proyekto.

Kaya naman bukod sa taas ng rating na nakukuha nito gabi-gabi, laging trending topic din ang Bagani sa social media dahil sa bonggang kuwento at special effects nito. Napapanood ang Bagani sa ABS-CBN Primetime Bida after Ang Probinsyano.

Kasama pa rin dito sina Matteo Guidicelli, Makisig Morales, Sofia Andres, Zaijian Jaranilla at marami pang iba, sa direksyon nina Richard Arellano, Lester Pimentel at Raz dela Torre.

Read more...