KathNiel nagpa-practice na nga bang maging Mr. and Mrs. Padilla?

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KATHNIEL fans were kilig to see their idols Kathryn Bernardo and Daniel Padilla cooking together while in the US.

The two were caught in a video and series photos habang nagluluto. Ang celebrity hair stylist na kasama nila na si John Valle ang nag-share ng photos ng dalawa habang nasa kitchen at nagluluto ng kanilang kakainin.

Nag-share din ng video ang mom ni Kathryn na si Min Bernardo na kaagad ding ipinost ng KathNiel fans sa social media. Biro nga ng ilang netizens, baka raw nagpa-practice na sila as future husband and wife.

“Wow! Sana kayo na ang magkatuluyan! Lodi.” said one KathNiel fan.

Pero merong nakapuna na may shades si Daniel while cooking which prompted him to say, “Putcha nagluluto naka shades.”

Samantala, isinama ni Daniel sa US trip nila ni Kathryn ang kapatid na si JC na nag-graduate na sa college recently. Ito raw ang graduation gift ni DJ sa kanyang brother.

Bukod dito, tinanggap na rin ng aktor ang bagong challenge sa kanyang career. Siya kasi ang magpo-produce ng bagong single ni JC na desidido na ring karirin ang pagkanta ngayong tapos na siya sa pag-aaral.

Nag-post ang kanilang mommy na si Karla Estrada sa Instagram ng isang photo ni JC kasama ang KathNiel na kuha sa US at may caption na: “Good luck sa bago mong single na kanta anak (JC) At si kuya DJ ang producer.”

Read more...