Miss Tapia ng Iskul Bukol pumanaw na sa edad na 82

MATAPOS ma-comatose ng ilang araw, pumanaw na ang veteran actress at manunulat na si Mely Tagasa kaninang madaling-araw, March 24, 2018. Siya ay 82 years old.

Na-stroke kamakailan ang beteranang aktres at na-confine sa Cardinal Santos Medical Center nang halos isang linggo. Kahapon, ibinalita pa ng kanyang anak na si Gina Marissa Tagasa na isa ring kilalang scriptwriter, na tinanggal na ng mga doktor ang respirator nito kasabay ng hiling na patuloy sanang ipagdasal ang kanyang ina.

Mas kilala si Mely Tagasa ng manonood bilang si Miss Tapia sa sitcom noon na Iskul Bukol na pinagbidahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Siya ang gumanap na terror na teacher sa nasabing programa na umere mula 1977 hanggang 1990.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Gina ang malungkot na balita, aniya, “At 12:26 AM, our dearly beloved Miss Tapia has joined our Creator. The gates of heaven open for her. We love you very much, Ma!”

Magse-celebrate sana ng kanyang ika-83 kaarawan si Miss Tapia sa darating na April 16.

Kung matatandaan, huling nagkaroon ng pagkakataon na makasama ng veteran actress ang ilang mga

kaibigan sa showbiz noong personal niyang tanggapin ang kanyang Walk of Fame star na ginanap noong November, 2017.

Read more...