JaDine fans galit na galit kay Direk Cathy, tinawag na epal


DIREK Dan Villegas tried to pacify JaDine fans who were visibly hurt sa revelation ni direk Cathy Garcia-Molina na merong issue sina James Reid at Nadine Lustre sa director nilang si Antoinette Jadaone. Epal daw ang direktor at nagkakalat ng tsismis.

“Guys. Tapos na yung issue na to matagal na. Kalma. Lapit na lumabas yung peliks. Sayang energy sa bv,” message ni direk Dan.

“No direk Dan. Nasasaktan kaming mga JaDine fans dahil kayo mismo na pinagkakatiwalaan ng JD, nilalaglag n’yo sila patalikod,” said one avid Jadine fan.

Na sinagot naman ng ilang netizens. Sey ng isa, “Wow, nakakahiya naman sa work ethics ng mga idol niyo. Kasalanan pa ng mga direktor ang magsabi ng totoo.”

“Kung sana di sila pasaway walang ganyang issue. Tapos maninisi kayo. Akala nyo aping api idols nyo samantalang sila ang gumagawa ng ikakasira nila.”

“Sila ang gumagawa ng ikakabagsak nila. Dont blame other people who are just doing their jobs for your idols incompetence.”

Read more...