‘Birdshot’ ni John Arcilla, ‘Amo’ ni Derek nabili ng Netflix


ISANG local film at TV series ang mapapanood sa Netflix. Ang pelikula ay ang critically-acclaimed na “Birdshot” na naging entry ng bansa sa Best Foreign Language Films sa Oscar Awards. Bida rito sina John Arcilla, Arnold Reyes at ang batang si Mary Joy Apostol.

Umani ang pelikula ng papuri at karangalan sa iba’t ibang international film festivals. Sa Marso 26 matutunghayan na ang pelikula sa Netflix.

Ang local TV series naman na kinuha rin ng Netflix ay ang Amo mula sa TV5. Gawa ito ni Brilliante Mendoza at pinagbibidahan ni Derek Ramsay. Ang 12-part series tungkol sa ilegal na droga ay mapapanood simula sa April 9.

Read more...