Kahit umalis na si Patricia tumulak sa Bulaga: Forever Dabarkads pa rin ako! Miss ko na sila!


MULING nagpakita ang former Eat Bulaga Dabarkads na si Patricia Tumulak but this time, isa na siya sa mga bagong contract star ng GMA Artist Center.

Isa siya sa ipinakilalang bagong artista ng Kapuso Network kasama ang ilang galing sa ibang networks gaya nina Devon Seron (mula sa kalabang istasyon ng GMA), Shaira Diaz (dating TV5 talent) at Kelley Day (mula sa grupong Girl Trends ng It’s Showtime).

Mula sa pagiging “Birthday Girl” ng EB, napabilang si Patricia bilang isa sa junior hosts ng noontime show, nakalabas sa ilang Bulaga Lenten drama specials at sa isang morning series mula sa APT Entertainment at TAPE, Inc..

Bigla siyang nawala sa noontime show ng GMA at sa meet and greet ng bagong talents ng Kapuso Network, isa nga siya sa mga bumulaga. Hindi man daw siya napapanood ngayon sa programa, mananatili pa rin siyang Forever Dabarkads.

“Up to now I keep in touch with them. Forever Dabarkads ako and then Kapuso na rin at the same time,” pahayag ni Patricia sa interview.

Ayon pa sa bagong Kapuso artists, magandang simula ng taon para sa kanya ang maging bahagi ng GMA. “Up to now, kinakabahan pa rin ako, at the same time hindi pa siya nagsi-sink in.

“Pero this is a good start for the year and a good birthday gift din because I just celebrated last month. What a way to start the year,” rason niya.

Huling acting assignment ni Patricia ang guesting niya sa Super Ma’am at paminsan-minsan ay lumalabas siyang Chika Minute girl sa 24 Oras. Minsan na rin siyan na-link kay Alden Richards pero madiin niyang itinanggi ang tsismis.

READ NEXT
The Sanhedrin
Read more...