Female star laging nega sa mata ng sariling ina; masahol pa sa aso’t pusa ang relasyon


MGA personalidad na hindi na iba sa kilalang mag-inang artista ang magkakasama isang gabi sa isang malaking selebrasyon.

Natural, nagpista ang grupo sa pagkukuwentuhan, ang mag-ina ang kanilang natutukan ng atensiyon.
Hindi na raw bago ang mga kuwentong lumalabas tungkol sa hindi nila pagkakaintindihan, dati na raw parang aso’t pusa ang mag-inang ito, hindi nga lang ‘yun lumalabas nang detalyado sa publiko.

Sabi ni Personality A, “Para silang ipinanganak na magkakontra pelo. Hindi pareho ang takbo ng utak nila, palagi silang nagkokontrahan, bihirang-bihira silang magkaintindihan.

“Sa totoo lang, ‘yun ang reason kung bakit hindi mapigilan ng mommy niya si daughter na maging close sa father niya. Feeling kasi ng anak, e, hindi naman siya mahal ng mommy niya.

“Palagi silang magkakontra, kapag may gustong gawin ang anak, palaging nakakontra ang mommy niya. Parang kulang sa appreciation ang mommy niya sa magaganda namang ginagawa niya,” sabi nito.

‘Yun din daw ang dahilan kung bakit palaging nasa ibang bansa ang anak ng aktres. Kahit puwede naman siyang pumirmi na lang dito ay mas gusto ng dalaga na sa ibang bansa na lang manirahan.

Sabi naman ni Personality B, “Paano nga, palagi rin naman silang nagkakainitan ng mommy niya, kaya mas maganda na nga namang umalis na lang siya at lumayo na lang sa taong parang wala namang nakikitang maganda sa mga ginagawa niya!

“Ewan kung bakit ganu’n ang mommy niya sa kanya. Dahil kaya sa sobrang pagkakamukha niya sa father niya? E, ano naman ang kasalanan ng bata sa galit ng mother niya sa father niya? Nakapamimili ba ng magulang ang mga anak?

“E, naging produkto lang naman siya, ginusto ba niya ang pag-aaway ng parents niya? Hindi siya ang dapat mag-suffer, di ba?” pagbibigay pa ng komento ng ikalawang source.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...