Maling grammar sa ID ng media sa Malacanang, pinaiimbestigahan ni Andanar 

MATAPOS mabatikos sa mali-maling grammar na nakalagay sa opisyal na ID na inisyu ng Malacanang, ipinag-utos ni Communications Secretary Martin Andanar ang imbestigasyon sa isyu.

Naghugas kamay naman si Andanar sa kamalian sa pagsasabing hindi ipinakita ng kanyang mga staff ang pinal na itsura at nilalaman ng ID na ibinigay sa Malacanang Press Corps (MPC).

Idinagdag ni Andanar na apat na paglabag ang tinitingnan niya kaugnay ng kontrobersiya.

“Yes. Breach of protocol on four counts: 1. Staff did not show the backflip of the ID to me; 2. IPC did not return the final design for my approval; 3. IPC used an e-signature without my permission; 4. IPC used the wrong e-signature,” sabi ni Andanar sa isang pahayag.

Makikita sa likod ng ID ng MPC ang,” Upon expiration or when resigns from his or her agency this card should be returning without delay to the International Press Center, G/F Natioanl Press Club, Magallanes Drive Intramuros, Manila.”

Kahapon, binawi ng opisina ni Andanar ang mga ID sa pagsasabing babaguhin ang mga ito.

Read more...