Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa alahas na silver ay sasagana ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang silver na singsing kung laging susuutin at mentras antigo, bukod sa suwerte sa salapi ay magpapainit din ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver buenas din ang red.
Aries – (Marso 21-April 19)—May malaking halaga ng salaping darating. Matuwa ka at magalak, pero hindi naman sinasabing ubusuin mo agad-agad ang mga perang nahahawakan mo. Matutong magtipid para may savings ang pamilya para sa mga biglaang pangangailangan. Sa pag-ibig, panahon ngayon ng mga Aries. Ang ibig sabihin, anumang kilos at galaw ay aani ng ligaya at malaking tagumpay. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig at pananalapi, basta’t patuloy kang nagsisikap ay aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Humiling ka ngayon ng isang bagay na noon mo pa gustong mangyari. Magugulat ka, kakasihan ka ng langit at ang mga hiniling mo ay kusang matutupad at magkakatotoo. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Naaalala mo ba nang minsang naging emosyonal ka, luha at kalungkutan lang ang napala mo? Sa pagkakataong ito, gamitin ang isip at talino. Kapag nagawa mo iyan, ang suwerte at magandang kapalaran ay dagli nang mapapasa iyo. Sa pag-ibig, tunay na katugma at ka-compatible mo ang isang Scorpio. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Paikot-ikot lang ang kapalaran, ngunit ang kakaiba sa lahat, unti-unti nang umaangat ang roleta ng iyong kapalaran. Kung saan, magugulat ang mga kasabayan at karibal mo, makikita nilang nasa tuktok ka na ng gulong ng kapalaran habang sila naman ay nanatili na lang sa ibaba. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipagrelasyon sa maperang Aquarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka uunlad at yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi lalambingin ang kasuyo ay hindi sasarap ang romansahan. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang maglalayo muna kayo ng landas. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Elohim-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang nang kumilos, imbes na magkuwenta agad ng kinikita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil alam mo namang mahina ang loob niya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Om.” Purple at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag intindihin ang mga naninira at umiintriga sa iyo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil bukas-makawala, madadaig mo sila. Silang mga naninira at umiintriga sa iyo ay mapapahamak habang ikaw naman ay uunlad ng uunlad. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung nararamdaman mong namumunga na ang iyong pagsisikap, magpatuloy ka dahil ito na ang simula nang malaon nang nakatakda sa iyong buhay ang pagyaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mawala sa iyong tabi ang kasuyong may kayumangging kulay ng balat dahil siya ang iyong lucky charms. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Unti-unti mo nang natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, huwag mo nang intindihin ang mga taong hindi naman sa iyo umiintindi, maghanap ng bagong mamahalin. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaangihan ka niya. Sa pag-ibig, ito ang panahon para sabihin sa kasuyo na: “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.