Liza naagaw ang atensyon ng sikat na US blogger-columnist

LIZA SOBERANO

IBANG klase talaga ang angking ganda at sex appeal ng Bagani lead actress na si Liza Soberano.

Hindi lang sa Pilipinas napapansin ang classic beauty ni Liza kundi pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng universe. Usap-usapan sa social media kahapon ang pag-like ng sikat na American blogger and columnist na si Perez Hilton sa isang Instagram photo ng girlfriend ni Enrique Gil.

Tuwang-tuwa ang mga followers ni Liza nang makita ang pag-like ni Perez Hilton sa litrato ng kanilang idol kasabay ng pagpapasalamat dito sa pag-appreciate sa dalaga.

Perez Hilton is known for his blog, PerezHilton.com, na naglalaman ng mga entertainment news sa Hollywood. He followed Liza’s IG account last year.

Read more...