Baron magpapa-rehab uli: Pangako po, seryoso na ‘to!

BARON GEISLER

NAGDESISYON na ang kontrobersyal aktor na si Baron Geisler na pumasok uli sa rehab matapos ipakulong ng kanyang bayaw.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ng mensahe ang binata tungkol sa plano niyang pagbabagong-buhay, “I am going into rehab, and take this very seriously this time. I will be better, and I will see you all again and work with you, when I am ready.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na humingi ng tawad si Baron sa mga ginawa niyang kasalanan, at paulit-ulit na rin siyang ipinag-rehab ng kanyang pamilya ngunit hindi rin niya natutupad ang pangakong pagbabago.

Read more...