Paki n’yo sa taba ko: ‘Momshie body’ ni Karla trending sa social media

KARLA ESTRADA

UMANI ng libu-libong likes ang sexy photos ni Karla Estrada sa social media kung saan ibinandera niya ang kanyang ipinagmamalaking “momshie body” suot ang iba’t ibang style ng swimsuit.

Kuha ang mga litrato sa isang beach resort na pinuntahan nila recently, nilagyan niya ito ng caption na, “Feeling sexy ang peg!” gamit ang mga hashtags na #happymomshie, #beachlifeforever at #loveyourcurvesladies.

Nang huli naming bisitahin ang IG post ng nanay ni Daniel Padilla, nakakuha na ito ng mahigit 70,000 likes at 1,500 comments mula sa kanyang followers. Maraming pumuri sa guts ni Karla sa pagrampa nang naka-swimsuit.

Last year, ginulat ng TV host-actress ang kanyang mga supporters nang magsuot din siya ng swimsuit habang nagbabakasyon sa Boracay.

Read more...