John Lapus halos 1 taon walang raket sa ABS-CBN

JOHN LAPUS

NAKAUSAP namin ang komedyanteng si John ‘Sweet’ Lapus recently. Huli naming siyang nakita sa Christmas party ng ABS-CBN para sa media and bloggers.

Doon ay apologetic na nagpaliwanag si Sweet kung bakit nag-pass muna siya na makapag-share ng blessing sa kanyang media friends.

Aminado si Sweet na ‘di kagandahan ang lagay ng kanyang buhay ngayon lalo na sa kanyang career last year. Pagkatapos kasi ng huling teleserye niya sa Kapamilya network, wala na siyang serye na umere.

In short, halos isang taon din daw siyang walang trabaho. At dahil love naman si Sweet ng mga manunulat kaya naitindihan naman siya. Most of them, nag-wish sa kanya na magka-show na ulit.

So, nu’ng nagkita kami ni Sweet ang tsika niya ay may ka-meeting siya na taga-Star Cinema that day.

 

Read more...