Horoscope, March 22, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Ipriority ang mga taong nagmamahal sa’yo. Ipadama sa kanila na hindi mo nakakalimutan ang iyong obligasyon. Sa pananalapi, darating ang araw na ang mga taong minahal mo ang siya ring tutulong sa ‘yo at marami ring tulong na darating sa mga hindi mo minahal kaya sobra-sobrang biyaya pa ang matatanggap mo. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Valefor-Vassago-Vepar”. Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi ka dapat umasa sa mga pangako, dahil sa huli, hindi naman tutuparin ng mga taong nangako ang kanilang pangako. Pero ang pangako ng nasa itaas ang lagi ng magkakatotoo, kung saan, ang pangako ng langit sa iyo ay itataas ka ng itataas hindi lang sa career kundi pati na rin sa iyong kabuhayan, na halos titingalain ka ng mga kasabayan mo. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Zepar-Malapahr-Hagar.” Violet at white ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag pahirapan ang sarili. Sabihin ang tunay na nasa sa loob. Maging prangka. Sa pag-ibig, hindi masama kung sa iyo na mismo magsisimula ang “initiative” upang lalo pang uminit at sumaya ang relasyon. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag kang titigil dahil sa tuloy-tuloy na pagkilos makukuha ang pagyaman. Sa pag-ibig, nakapagtatakang muling mabubuhay ang dati ng namatay na relasyon. Mapalad ang 5, 13, 19, 29 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Blue at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ubusin ang lahat ng oras sa pagre-relax bago ka magkasakit. Mag-isip ng saktong pagkakakitaan na magiging malusog ang iyong katawan at isipan. Sa pag-ibig, isama ang kasuyo sa pamamasyal at pagsu-swimming sa beach. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umati-Chal-Umati-Om.” Crystal green at blue.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa araw na ito ibat-ibang papuri ang iyong maririnig. Panatiliin ang pagpapakumbaba upang lalong tumaas ang kinikita. Sa pag-ibig, pakiligin ang minamahal, sabihin sa kanyang: “Mahal, ang lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo!” Mapalad ang 1, 17, 22, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jehova-Hella-Cytheria.” Orange at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Susubukin sa araw na ito ang iyong pagkatao. Manatiling matatag kahit na maraming bayaring kinakaharap. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, parang may kulang – abutan siya ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Verchiel-Hamaliel-Barchiel.” Red at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — I-priority ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan kahit na gaano ka-hectic ang iskedyul. Sa pag-ibig, mag-text sa kasuyo, umaga, tanghali at gabi, at sabihin sa kanyang: “I love you, Sweetheart.. Miss you.” Mahiwaga mong mantra: “Orobas-Orias-Solas.” Gray at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang nagiging mapusok ka, lalo namang aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang pagiging mahina ng iyong kasuyo ay indikasyon lamang na ikaw talaga ang dapat masunod sa inyong relasyon para lalong sumigla ang pagmamahalan at upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kahit malakas kang gumastos, nakapagtatakang dating at dating pa rin sa iyo ang maraming pera. Maawa ka sa iyong bulsa, matuto kang mag-ipon at magtipid upang laging malusog ang wallet. Sa pag-ibig, wag mahirating ikaw lagi ang nasusunod, minsan pagbigyan mo naman ang hiling ng kasuyo. Mapalad ang 9, 18, 26, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Daig ng mautak, ang masipag!” Maroon at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi tama ang nakaugalian mong kontra ng kontra. Sa pagsang-ayon sa kagustuhan ng iba, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa romansa, okey lang na ang kasuyo ang magtrabaho ng magtrabaho upang wag kang masyadong mapagod. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Advachiel-Hanael-Cambriel.” Black at violet ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Isang kaibigang nasa abroad ang magkakatulong sa prolemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa pag-ibig, tandaang walang malayo at malapit sa mga pusong nagmamahalan. Mapalad ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Neberius-Murmur-Furfur.” Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Gawing memorable ang bawat araw sa panahong ito ng tag-araw. Ngayon pa lang pag handaan na ang summer escapade kasama ang mga mahal mo sa buhay. Sa pinansyal, aanhin mo ang maraming pera kung hindi naman masaya ang iyong pamilya. Mapalad ang 7, 18, 22, 23, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Eat, drink and be merry.” White at lilac ang buenas.

Read more...