LRT1 may libreng sakay sa babaeng PWDs

LRT

May libreng sakay ang mga kababaihang may kapansanan sa Light Rail Transit Line 1.
Ayon sa inilabas na advisory ng Department of Transportation, ang libreng sakay ng mga babaeng PWD ay sa Marso 26 (Lunes Santo).
Kailangan lamang ipakita ang PWD ID sa station operations team para makalibre.
Ang LRT 1 ay bumibiyahe mula Baclaran station sa Pasay City hanggang Roosevelt station sa Quezon City.
Ipinaalala ng LRT 1 na wala itong biyahe mula Huwebes Santo (Marso 29) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 1).

Read more...