Bwelta ni Jake Zyrus sa topless photo: Karapatan ko ‘yun!


“I have the right to do it like everybody else!” Ito ang depensa ni Jake Zyrus sa ipinost niyang topless photo sa Instagram habang nasa isang beach resort na umani ng kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens.

Sa isang panayam, sinabi ng transman singer na nag-eenjoy lang sila sa pagsu-swimming at wala siyang intensyon na maka-offend sa pagpapakita niya ng dibdib, “Naiintindihan ko po yun na parang medyo wild para sa kanila to see a trans man na nakatopless.”

“If you want to post a photo na alam mong confident ka, na alam mong proud ka, then why not,” aniya pa.

Read more...