Alden sa ‘dirty finger video’ ni Juancho: Nagulat ako! Pero wala na ‘yun sa akin!


ALDEN Richards is a very forgiving soul as he instantly forgiven Juancho Something’s shenanigans.

“Nakita ko na po ‘yun last Sunday. Parang may nag-circulate na video na Juancho did some hand gestures on video. Sa akin naman po ay wala na ‘yun. He apologized na sa social media. Okay na po, wala na po sa akin ‘yun. Hindi naman po big deal ‘yon,” Alden initially said sa media lunch ng Cookie’s Peanut Butter.

Later, he was again asked about Juancho’s shenanigans and he said, “Nagulat po ako, siyempre nakita ko po ‘yung video. Parang, ‘Bakit mo ginanu’n?’ Pero later on naman, parang…hindi po kasi ako mahilig magpalaki ng mga bagay na hindi naman kailangan talagang palakihin at hindi kailangan pagtaniman ng sama ng loob.

“Parang when I saw it, siyempre, ‘yung question na ‘Bakit ganu’n?’ Pero all of a sudden, nawala rin naman po. Kumbaga, just pray for it, and then hayaan ko na lang po na mawala ang issue.”

Cookie Yatco, owner of Coockie’s Peanut Butter, explained why they got Alden to endorse their products.

“Mapagmahal na anak at kapatid. Hindi siya nagbabago. Sa obserbasyon ko po, nu’ng narating niya at nakamit ang tugatog ng tagumpay ay nanatiling nakaapak pa rin ang mga paa niya sa lupa,” sabi ni Cookie.

His wife, Joy Abalos-Yatco, was asked naman kung bakit hindi isinama si Maine Mendoza kay Alden.

“Since parehas kaming taga-Laguna, nandoon na po right away. Since kaibigan na namin si Alden, mas makakalambing kami sa kanya ng discount. But of course, we tried. Nagsabi kami kay Alden na in the future, why not magsama kayo ni Maine? Wala namang problema doon. Of course, gusto namin silang dalawa (maging endorsers),” she said.

Read more...