Sarah nanganak na sa 2nd baby nila ni Richard

IT’S another bouncing baby boy para kina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Nanganak na ang aktres kahapon at very proud na ipinost ni Richard sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Sarah habang karga-karga nito ang kanilang second baby na tinawag nilang Baby Kai.

Sa huling interview kay Sarah, sinabi nitong perfect ang timing ng pagdating ni Baby Kai dahil four years old na si Zion.

“Tamang-tama lang ang panahon na nabuntis ako because Zion is already four, and actually araw-araw na niya akong kinukulit na, ‘Mama, I want a brother! I want a sister!'” chika ni Sarah sa nasabing panayam.

Read more...