Du30 at Sharon nag-dinner sa Malago Clubhouse sa Malacanang

NAG-dinner sina Pangulong Duterte at Sharon Cuneta sa Malago Clubhouse sa Malacanang kagabi matapos naman ang imbitasyon ng presidente.

Kapwa nag-post sina Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go at Sharon ng mga litrato kaugnay ng dinner.

“Dinner with PRRD and Sharon Cuneta. Sarap ng sardinas,” post ni Go sa kanyang Facebook account.

Samantala, sinabi naman ng source na tumanggi nang magpakilala na si Duterte ang nagbigay ng imbitasyon para sa dinner bilang pasasalamat matapos namang makipag-dinner noon si Sharon kay Davao City Mayor Sara Duterte.

Idinagdag ng source na si Agriculture Undersecretary Berna Romulo-Puyat, na malapit kina Duterte at Sharon, ang siyang nag-ayos ng dinner.

Ayon pa sa source, umawit pa si Duterte ng “Ikaw”.

“Hindi sila nag duet. While Sharon was singing, he was just watching but was also singing along because he knows the lyrics of the song but he sang after, ‘Ikaw’, then Sharon watched him . They were by the piano,” sabi pa ng source.

Read more...