ISA pong pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay dating nagtrabaho sa gobyerno. 15 years din po ako sa goverment pero sa ngayon ay nagtayo na po ako ng isang maliit na advertising company. May dalawang empleyado pa lang dahil kasisimula pa lang namin two months ago.
Ang gusto ko po sanang itanong sa PhilHealth ay kung pwede ko pa bang ipagpatuloy ang pagbabayad ko sa Philhealth. Kinakailangan ko din po bang i-enrol sa PhilHealth ang dalawa ko pang empleyado. Ano po ang dapat kung gawin? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Melvin John Jimenez
Karuhatan, Valenzuela
Mahal na Ginoo,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Upang aming ma-verify ang inyong PhilHealth records at para sa inyong information security, pakibigay lamang ang mga sumsunod na detalye:
• PhilHealth Identification Number (PIN)
• Complete name (first name, middle name, last name)
• Date of Birth
• Registered Address
• SSS number and Tax Identification Number (TIN)
• Name of Employer (present and previous)
• Name of Dependent (at least one)
Kung hindi pa ninyo na-uupdate ang inyong membership category, bisitahin lamang po ang pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) o PhilHealth Express office sa inyong lugar, magdala lamang ng dalawang (2) valid IDs para sa verification.
Narito po ang mga step-by-step process sa pag update:
1. Mag-download ang dalawang (2) kopya ng PhilHealth Member Registration Form (PMRF) sa aming website na www.philhealth.gov.ph. Maaari din ninyo ito makuha sa aming opisina.
2. I-tick ang ” FOR UPDATING” sa kanang bahagi ng PMRF. I-tick ang katergoryang naaayon.
3. I-fill out ang PMRF nang angkop na impormasyon.
4. Isumite ang PMRF sa pinakamalapit na PhilHealth office.
5. Hintayin ang inyong updated na Member Data Record (MDR).
Narito ang schedule ng pagbabayad at ang halaga na dapat bayaran.
Kumikita ng average sa isang buwan ng P25,000 pababa:
– Annual Payment: P2,400
– Semi-annual: P1,200
– Quarterly Payment: P600
– Monthly Payment: P200
Kumikita ng average sa isang buwan ng mataas sa P25,000:
– Annual Payment: P3,600
– Semi-annual: P1,800
– Quarterly Payment: P900
– Monthly Payment: P300
Monthly—Bayaran hanggang huling araw na may pasok sa buwang binabayaran.
Quarterly—Bayaran hanggang huling araw na may pasok sa quarter na binabayaran.
Semi-annual—Bayaran hanggang huling araw na may pasok sa unang quarter ng binabayarang semestre.
Annual—Bayaran hanggang huling araw na may pasok sa unang quarter ng binabayarang taon.
Kung kayo ay magbabayad ng buwanan, sa mga LHIO lamang ito maaaring bayaran. Samantala, kung kayo ay magbababayad sa aming mga selected Accredited Collecting Agents ( ACAs) para sa ibang modes of payment, narito ang link ng kumpletong listahan: https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/.
Samantala, para sa inyong business at dalawang empleyado, kinakailangan ninyo itong irehistro sa PhilHealth. Narito ang proseso ng pagpaparehistro:
Kung ang inyong business ay hindi pa rehistrado sa Philippine Business Registry (PBR), kinakailangan ninyo ng mga dokumentong ito kung:
Nature of Entity – Additional Documents Required
Single proprietorships – Department of Trade and Industry (DTI) Registration
Partnerships and corporations – Securities and Exchange Commission (SEC) Registration
Foundations and non-profit organizations – Securities and Exchange Commission (SEC) Registration
Cooperatives – Cooperative Development Authority (CDA) Registration
Backyard industries/ventures and micro-business enterprises – Barangay Certification and/or Mayor’s Permit
I-submit ito sa Local Health Insurance Office na may hurisdiksyon sa inyong address:
1. Employer Data Record (ER1) Form (in duplicate) ( makukuha sa aming website)
2. PhilHealth Membership Registration Form (PMRF)
for each employee (in duplicate)
Matapos itong maproseso, kayo ay bibigyan ng:
• PhilHealth Employer Number (PEN) and the Certificate of Registration
• PhilHealth Identification Number (PIN) and Member Data Record (MDR) of registered employees
Kinakailangan ninyo isabit ang Certificate of Registration sa lugar kung saan nakikita ng karamihan.
Hangad po namin na kayo ay aming natulungan.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
RRSL