Gerald bagong Ultimate Leading Man, Box-Office King

GERALD ANDERSON

BUKOD nga kina Kim Chiu at Arci Muñoz, nakakita na si Gerald Anderson ng isa pang leading lady na tanggap ng manonood – si Pia Wurtzbach.

Patok na patok ngayon sa madlang pipol ang tandem ng dalawa sa certified blockbuster movie nilang “My Perfect You” na matatawag na baptism of fire para kay Pia bilang isang leading lady.

Malaking bagay din ito for Gerald dahil isa itong malinaw na proof na hindi siya nakatali lang sa isa o dalawang leading lady.

Magkakaiba ang appeal nina Kim, Arci at Pia at pare-pareho silang nakakadagdag magnet sa tikas ni Gerald na sabi nga ni direk-tugang Cathy Garcia Molina ay nakikitaan niya ng potensyal na maihilera sa gaya ni John Lloyd Cruz bilang de-kalibreng aktor.

Pero ang isa sa ultimate wish namin, sana’y magkaroon sila uli ng movie ni Sarah Geronimo, dahil gaya nina Kim, Arci at Pia, swak na swak din ang appeal ni Gerald sa nag-iisang Pop Superstar.

Read more...