NAKA-PRIVATE ang Twitter at Instgram account ni Eileen Macapagal na ngayon ay officially Mrs. Joey de Leon, kaya hindi namin nakita ang mga ipinost niyang photos sa kasal nila ng TV host-comedian.
Ginanap ang civil wedding nila ng long-time partner niyang si Joey sa loob mismo ng Supreme Court kamakailan.
Pero sa Facebook account ni Eileen, naka-post ang kanyang mensahe after ng kasal nila ni Joey, pati ilang pictures ng kanilang wedding.
“Thank you all for your prayers, for the happy years! This must be how heaven feels! Our special day in heaven on earth,” message ni Mrs. De Leon.
Ilan sa sumaksi sa wedding ay sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa, at ang mag-asawang Vic at Pauleen Luna-Sotto. After ng kasalan, party-party ang naganap sa reception sa Manila Hotel kung saan todo-sayaw pa rin si Tita Helen base na rin sa video na ipinost sa IG ni Tito Sen.
Sa nakita naming group pics sa IG ni Allan K, nakisaya rin sa reception sina Alden Richards, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Jose Manalo, Jimmy Santos, Pia Guanio and hubby Steve Magio, direk Poochie Rivera at ilang staff ng Eat Bulaga.
Mas pinili ni Eileen na maging plain housewife nang maging partner sa buhay si Joey. Tatlo ang naging anak nila, sina Jako, Jocas at Gio, na pawang accomplished na sa kanilang mga napiling career.
Congratulations, Joey at Eileen!