Horoscope, March 21, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging paborable ang sitwasyon lalo na sa salapi at pag-ibig ngunit patuloy pa ring magiging magulo ang isipan. Panahon na upang magnilay at mag-meditate, upang lalo pang mapabuti ang iyong sarili at ang iyong kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 23, 30, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Blue at violet.

Aries – (Marso 21-April 19) — Tapusing mabilis ang mga nakabinbing gawain upang maipatupad mo na na rin sa wakas ang iniisip na summer get away. Pumili ng isang romantic na lugar at isama ang kasuyo. Ngayon pa lang ihanda na ang mga kailangan sa pagna-night swimming. Mapalad ang 6, 15, 18, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Magandang ipatupad ang matinding disiplina ngayong nalalapit na ang Semana Santa. Regular na mag-exercise at dibdibang iwasan ang katakawan, upang hindi ka tumaba. Sa muling pagpapahalaga sa kalusugan magkakaroon ka ng bagong suwerte at kasiglahan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Aum-Nameh.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Ngayong summer mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Magtinda ng halo-halo at iba’t-ibang uri ng pampalamig. Sa pag-ibig, laging mainit ang ulo ng kasuyo, yayain mo siyang mag-unwind sa tabing dagat. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 29 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Sky blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Anoman ang mangyari ang pamilya pa rin ang dapat na bigyang prayoridad. Ngayong summer paglaan ng budget ang inyong leisure activities sa isang lugar na noon mo pa gustong-gustong puntahan. Mapalad ang 1, 7, 25, 27, 39 at 42. Mahgiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Green at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Makakaramdam ka ng isang malakas na puwersa. Darating sa iyo ang bigla at maraming suwerte na hindi mo inasahan. Sa pag-ibig, lalong titibay at magiinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 16, 20, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umali-Om”. Gray at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Tapusing mabilis ang anomang proyektong ginagawa upang lalo ka pang bumilieve sa sarili mong kakayahan. Kapag buo ang tiwala sa sarili, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, patikimin ng mainit na romansa ang minamahal ngayong tag-araw. Mapalad ang 5, 8, 25, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Aum-Moti.” Silver at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Habang pumapasok ang tag-araw sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita. Ngayon pa lang pag handaan na ang family bonding sa malayong lugar. Sa pag-ibig umiwas sa immoral na relasyon, upang hindi mapahamak ang pamilya. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Gayatri-Om.” Lilac at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi masosolusyunan ang problema sa init ng ulo at paninisi. Upang mabawasan ang pag-aala at labis na kalungkutan, laging sabihin sa sarili: “ITO MAN’Y LILIPAS DIN!” Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gam-Zeh-Ya’avor.” Maroon at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magiging sobrang busy ang araw na ito. Sa kabila ng pagiging abala, tuloy ang dating ng malaking halaga. Kahit na gamitin sa pagpapasarap ang hawak na pera, kailangang pa ring maglaaan para sa savings. Sa ganyang paraan, mas mapapanuto at mabilis na uunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya. Mapalad ang 6, 17, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Savitri-Om.” Beige at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi masama ang magtipid, pero masama ang magpaka-gutom. Laging isa alang-alang ang iyong kalusugan upang lalo pang humaba ang iyong buhay. Alalahanin mong aanhin mo ang kayamanan, kung may karamdaman ka at mahina, paano mo pa ito mapapakinabangan? Mapalad ang 4, 8, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Surya-Oma.” Blue at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa nalalapit na Semana Santa, upang lalo kang pagpalain ng langit, mas mainam pang magbigay ka ng walang hinihintay na kapalit. Kapag nagawa mo yan, lalong lalago at darami ang iyong kabuhayan. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 40- at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Agni-Agni-Om.” Biege at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayong summer magnegosyo ng mga bagay na may kaugnayan sa tubig at yelo. Ang halo-halo at samalamig ay maaaring isaalang-alang. Sa pag-ibig, dahil sobrang init ng panahon anumang araw mula ngayon, yayain ang kasuyo na mag-swimming. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at yellow ang buenas.

Read more...