MAS pinalaki, mas pina-level up at mas nakakaloka ang pagbabalik ng Lip Sync Battle Philippines sa GMA ngayong Abril.
Hosted by Iya Villania and Michael V, this musical-reality competition offers a whole new level of entertainment as it treats its viewers with outrageous, amusing and even more exciting performances every week.
Sa ginanap na media con para sa 3rd season ng Lip Sync Battle PH, siniguro ni Bitoy na mas pahihirapan nila this time ang mga celebrity contestants.
“Excited ako kasi sinala talaga namin ‘yung mga battlers ngayon and magkakaroon ng bagong battles.
So ang masasabi ko talaga, mas aabangan ito kasi ‘yung mga napiling battler, ready talaga sila,” pahayag ni Michael V.
Nagpasalamat naman si Iya kay Bitoy at sa GMA 7 dahil siya pa rin ang kinuhang co-host sa programa bilang color commentator.
“I am just happy to be working with Kuya Bitoy because you know, he is very approachable and friendly and lahat ng galaw ko sa set, he is there to help and assist me so hindi talaga ako nahihirapan,” chika ng misis ni Drew Arellano.
Ang ultimate wish daw nina Iya at Bitoy ay ang makasali sina Alden Richards at Maine Mendoza sa ikatlong season ng Lip Sync Battle PH. Siguradong riot daw ang magiging episode ng AlDub loveteam kapag sila ang pumagitna sa LSBP stage.
Sey pa ni Iya, bagay na bagay daw kay Meng ang show dahil sa pagiging Dubsmash Queen nito.
The game pits celebrities and personalities against each other in a lip sync battle for two rounds. They can lip sync the song/s of their choice. Then the crowd determines the winner of the battle after the two rounds have been completed. Ang magwawagi ang siyang tatanghaling Lip Sync Battle Champion with the Lip Sync Battle Championship Belt.
Ngayong ikatlong season ng LSBP, magkakaroon na ng tinatawag na 3-way battle at thematic episodes kaya asahan ang mas matitinding head-to-head challenge ng inyong mga favorite celebrities and personalities.
Kapuso viewers can also expect guest color commentators who will participate in the show as they add more fun in the program.
Ang Lip Sync Battle Philippines ay sa direksyon ni Rico Gutierrez at mapapanood tuwing Sunday simula sa April 1 sa GMA lang.
***
Natanong naman si Iya Villania kung payag ba siyang sila ni Drew Arellano ang maglaban sa Lip Sync Battle Philippines.
Ang mabilis na sagot ng singer-actress, “Naku, hindi pwede, baka diyan pa kami maghiwalay! Ha-hahaha!”
“Kasi pareho kaming competitive, hindi kami magpapatalo sa isa’t isa. Kaya huwag na lang. Kasi ako, hindi talaga ako magpapatalo sa kanya, ‘no! Kahit mag-tumbling pa ako, at split gagawin ko!” natatawa pang chika ng co-host ni Bitoy.
Buntis na ngayon si Iya sa ikalawang baby nila ni Drew at kung matatandaan, pregnant din siya noong ginagawa niya ang Lip Sync Battle kaya feeling niya, mas lalo siyang bine-bless kapag buntis.