Malas ba sa pag-ibig? (2) | Bandera

Malas ba sa pag-ibig? (2)

Joseph Greenfield - June 25, 2013 - 02:05 PM

Sulat mula kay Maritess ng Quezon Avenue, Miputak, Dipolog City
Problema:
1.      Marami na akong naka-relasyon, pero wala pong nagtagal. Sabi ng mga kapatid ko, sinisira ko lang daw ang buhay ko. Pero ano ang magagawa ko, parang malas yata talaga ako sa pag-ibig. Sa ngayon gusto ko ng magbagong buhay, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. May mga manliligaw parin naman, subalit hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, kaya naisipan kong sumulat sa inyo. Sana magabayan niyo ako.
2.      Bale dalawa ang masugid kong manliligaw sa ngayon: Isang isinilang nuong  January 30, 1988 at isang isinilang nuong January 14, 1987. Habang April 23, 1989 ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin upang hindi na ako muling malasin sa pag-ibig? Gusto ko na po kasing magkaroon ng isang permanente at pang matagalang karelasyon.
Umaasa,
Maritess ng
Dipolog City
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa dalawang lalaking masugid mong manliligaw sa kasalukuyan, higit mong ka-compatible siyang isinilang nuong January 14, 1987. Kung saan, sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na kayo ay uunlad at habang buhay na yayaman.
Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasa higit mong ka-tugma at ka-compatible ang lalaking may birth date na 14, siya ang dapat mong maging boyfriend at mapangasawa, dahil kapag nagkatuluyan ang birth date mong 23 at birth date niyang 14, tulad ng nasabi na sa Astrology, tiyak na uulad at yayaman ang itatayong niyong pamilya.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling mabigo sa pag-ibig at makamit ang isang maligaya at pang habang buhay na pagsasama, lagi kang magsusuot at gumamit ng kulay na asul at pula.  Sa nasabing kulay, makakasumpong ka na ng isang mabuti at pang habang buhay na asawa.
Huling Payo at Paalala:
Maritess ayon sa iyong kapalaran, sa susunod na taong 2014 sa buwan din ng Enero mo sagutin ang lalaking may birthday na January 14, 1987. Sa ganyang paraan, matitiyak ang isang masaya, puno ng ligaya at maunlad na pag-aasawa, na nakatakda namang maganap sa taong 2016 sa edad mong 27 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending