Tren ng MRT nasiraan ng 2 beses

Dalawang beses nasira ang tren ng Metro Rail Transit 3 kagabi.

    Unang nasira ang tren nito alas-6:45 ng gabi ng magkaroon ng electrical failure ang motor nito. Pinababa ang may 740 pasahero sa Shaw Boulevard station.
    Nakasakay naman ang mga pasahero makalipas ang tatlong minuto.
      Alas-8:03 ng gabi ng masira ang isa pang tren sa Magallanes station southbound.
      Nagkaroon ang tren ng problema sa pintuan kaya pinababa ang amy 400 pasahero. Dumating ang kasunod na tren makalipas ang tatlong minuto.
      Posible umano na nasira ang door components dahil itinutulak ito o sinasandalan.
      Noong Lunes ay umabot sa 309,911 pasahero ang sumakay sa MRT.

Read more...