Lea na-imbyerna na naman sa pasaway na pasahero sa NAIA

LEA SALONGA

Inilabas ni Lea Salonga ang kanyang inis sa Twitter noong linggo habang siya ay nasa Ninoy Aquino International Airport.

Naimbyerna ang award winning actress sa isang pasaway na pasaherong naghihintay ng bagahe sa baggage retrieval area.

“Excuse me, lady, what part of ‘Wait behind yellow line’ do you not understand? #Seriously,” ang sey nya sa tweet.

Huwag na raw magtaka kung bakit hindi umuunlad ang bansa dahil dito na sinangayunan naman ng kanyang mga followers.

“Mga simpleng patakaran, ayaw sundin. Kahit saan. Kailangan pa bang tanungin kung bakit bilang bansa, hindi tayo umuunlad?”

Anyway, napagsabihan naman ni Lea ang pasaway na pasahero.

“End of Story, lady recognized me, after which I told her to back up to behind the yellow line while saying she wasn’t supposed to be there. Firmly, but not meanly.”

Hindi ito ang unang beses na nabadtrip ang singer-actress. Nangyari ito Disyembre noong nakaraang taon.

 

Read more...