#ShowbizLive with Kakai Bautista

Three years matapos ang kanyang unang concert ay balik-stage muli si Kakai Bautista para sa kanyang major concert entitled Kakai XV: The Dental Diva 15th Anniversary Concert na gaganapin sa April 6, sa Music Museum.

Ang concert na ito ay magiging tribute din sa mga nakasama niya sa showbiz for the last 15 years kung saan inimbitahan nya ang kanyang mga kaibigan hindi lang manood kundi pati magperform kasama siya.

Makakasama nya rito ang PBB Lucky Season 7 Big Winner na si Maymay Entrata, X-Factor UK’s JBK, at pati na rin ang kanyang mga Rak of Aegis co-stars na sina Pepe Herrera, Jimmy Marquez, Gold Villar, Jet Barun, Paeng Sundayan at iba pang surprise guest.

Iba’t iba rin ang kantang nakalinya para sa concert na ito, kung saan siya mismo ang pumili ng ibang kanta.

“Halo siya. Siguro ita-try ko lahat kantahin. Ita-try kong magpaka-millennial, ita-try kong sumabay sa mga pa-Tita na.” sey ng Dental Diva.

Pero bago ang lahat, abangan muna si Kakai Bautista sa #ShowbizLive hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla (Wednesdays, 8PM LIVE at Inquirer.net and Bandera FB pages, Inquirer 990 Television and Radyo Inquirer 990 AM).

Makisaya ngayong Miyerkules sa isa nanamang nakakatawa, nakakabaliw at punong-puno ng chika na #ShowbizLive.

Read more...