Pia hindi pa pwedeng magbida sa serye; pinuri sa ‘My Perfect You’


TULOY-TULOY pa rin ang pagbuhos ng swerte sa showbiz career ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Matapos ang mega blockbuster 2017 MMFF entry nila nina Vice Ganda at Daniel Padilla na “Gandarrapido”, patuloy namang tumatabo sa takilya ang first movie nila together ni Gerald Anderson, ang “My Perfect You”.

Hindi imposibleng maabot nito ang P100 million mark sa mga susunod na araw dahil nga sa haba ng pila sa mga sinehan nitong nagdaang weekend.

Kaya naman feeling blessed and grateful si Pia ngayon na talagang nagmarka bilang si Abi sa “My Perfect You”. In fairness, puro papuri ang ibinibigay kay Pia ng mga nakapanood na ng pelikula dahil sa napakagaling na performance niya sa movie.

Ayon sa beauty queen-actress, napakalaki ng utang na loob niya kay Gerald at sa direktor nilang si Cathy Garcia Molina na talagang nag-effort para maging makatotohanan at natural ang akting niya.

“Direk Cathy is one of the best people I’ve ever worked with. Tough love minsan pero it’s all for good intentions and it’s to make the movie perfect,” ani Pia.

Nagpasalamat din ang dalaga kay Gerald dahil sa pagiging gentleman nito habang ginagawa nila ang pelikula. Mas naging madali raw para sa kanya ang ilang eksena nila ng hunk actor dahil sa pag-guide at pag-motivate sa kanya.

Sa isang panayam, natanong si Pia kung ready na siyang sumabak sa paggawa ng teleserye, “I don’t have time to work on a teleserye at the moment, because my schedule is very busy.”

Read more...