BUKOD sa limang nakakuha ng Golden Buzzer sa Pilipinas Got Talent Season 6 ay may 23 pang contestants na napili ang mga huradong sina Robin Padilla, Angel Locsin, Vice Ganda at Freddie M. Garcia.
Una nang nakapasok sina DWC Aeon Flex (young contortionist), Kristel de Catalina (pole dancer), Nocturnal Dance Group, dance duo Julius Obrero/Rhea Marquez at ang grupo ng pull-up bar acrobats na Bardilleranz dahil sa pagpindot ng Golden Buzzer ng mga hurado.
Ang 23 pang nakapasok sa semi-finals na mula sa Luzon ay ang Aloha Philippines dance group (Baguio); Prinsipe Makata (Bulacan); JM Bayot (Cavite); Jeptah Calittong (Ilocos Sur); Karl Matrix (Cavite); Antonio Bathan, Jr (Batangas); Jonacris Bandillo (Laguna); Bu-Aywa Folkloric Dance Troupe (Calapan, Oriental Mindoro); Dauntless Republic (Cavite); at Joven Olvido (Laguna).
Ang mga nagmula naman sa Cebu na pumasa sa panlasa ng mga judge ay ang Maka Girls, Angel Fire New Gen, Dancing Fire Warriors at Cebeco ll Blue Knights.
Galing naman ng Mindanao ang Salimpokaw Ko Masa Dance Troupe (Marawi) at Xtreme Dancers (Koronadal, South Cotobato).
Pasok din sa semi-finals ang mga pambato ng Metro Manila: Junior FMD Extreme (Marikina), Orville Tonido (Quezon City), Pedro Lachica (Quezon City), Rico the Magician (Caloocan), Miggy Hizon (Marikina), Johnny Villanueva (Quezon City) at Mad Queens (Manila).
Base sa ipinakitang pagpili ng bawa’t hurado ay halos nagkaka-pareho ang mga gusto nila kaya hindi sila masyadong nahirapan sa pagpili.
Anyway, napansin lang namin na nu’ng sinabi na ni Angel na boboto na sila ay tila sumenyas si Vice sa dalawang host na sina Billy Crawford at Toni Gonzaga-Soriano para pindutin ang huling Golden Buzzer para sa dalawang bagets na contortionist.
In fairness ay mahusay naman talaga ang DWC Aeon Flex na parehong edad 10 na nagmula pa sa Davao del Norte.
Parang ang bilis ng takbo ng PGT6 dahil hanggang sa huling linggo na lang ng Abril tatakbo ang programa nina Robin, Angel, Vice at FMG at malalaman na kung sino ang mananalo ng P2 milyon.
Sino kaya ang susunod sa yapak ng Power Duo na siyang itinanghal na grand winner sa nakaraang PGT5?