Paloloko ka na naman ba sa politiko?

“THE nation faced a rebellion that could have ignited total chaos in Maguindanao and likely spread throughout Mindanao. As President, I have a Constitutional obligation to defend this nation from internal rebellion just as we do external aggression,” ani Pangulong Arroyo sa kanyang pagtatanggol sa deklarasyon ng martial law sa Maguindanao.
Nang dahil sa martial law, mahigit 600 katao ang hinuli, pati na ang mga utak at pangunahing sangkot sa masaker, libu-libong malalakas na armas ang nasamsam at mahigit kalahating milyong bala ang kinumpiska.
Nagpaliwanag din noon ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos nang ideklara niya ang martial law. Nakumpiska ang isang maliit at karag0karag na barko na puno ng mahahabang armas, pero di ito maituturing na sinlakas ng M16 at M14.
Nang dahil sa pagdedeklara ng martial law, napigilang kumalat ang gulo (rebelyon, sabi ng Malacanang) sa mga kalapit na lalawigan at lungsod, isa na rito ang General Santos City.
Nasupil ang di nagawa ng mga politiko mula sa Mindanao sa tagal ng kanilang panunungkulan, na ang nagbabalikat ng gastos sa kanilang pananatili sa puwesto ng dakdakan ay ang pobreng taxpayer.
Mahirap ang buhay ngayong kapaskuhan.
Papayag ka ba na bolahin na naman ng mga politiko walang ginawa kundi ang sumakay sa isyu?

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 121509

Read more...