Catriona Gray waging Bb. Pilipinas-Universe; Best in Long Gown, Swimsuit, Nat’l Costume


DALAWANG korona at titulo na ang nakaputong sa ulo ng Pinay beauty queen na si Catriona Gray. Bukod sa pagiging 2016 Miss World-Philippines, wagi rin siya bilang Miss Universe-Philippines 2018.

Ginanap ang Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas 2018 last Sunday night sa Araneta Coliseum kung saan kinoronahan ngang Miss Universe-Philippines ang Bicolanang dalaga.

Limang special awards din ang napanalunan ni Catriona, ang Best in Long Gown, Best in Swimsuit, Pitoy Moreno Best in National Costume, Jag Denim Queen at Miss Ever Bilena.

Simula pa lang ng pageant ay consistent crowd favorite na ang dalaga na una ngang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas noong lumaban siya sa 2016 Miss World – umabot siya hanggang Top 5.

Narito ang iba pang nagwagi: Bb. Pilipinas-International, Ma. Ahtisa Manalo; Bb. Pilipinas-Supranational, Jehza Huelar; Bb. Pilipinas-Intercontinental, Karen Gallman; Bb. Pilipinas-Grand International, Eva Patalinjug; Bb. Pilipinas-Globe, Michele Gumabao.

Ang girlfriend naman ni Jason Abalos na si Vickie Rushton ang first runner-up habang si Samantha Bernardo ang second runner-up.

Ilan sa mga naging judge during the coronation night ay sina Gerald Anderson, Alyssa Valdez, Precious Lara Quigaman at Ces Oreña-Drilon.

Read more...