Social life pampahaba ng buhay

ANO nga ba ang sikreto sa mahabang buhay?

May nagsasabi na nasa diet daw ang susi, ang iba naman ang naniniwala na dapat ay bawas stress ang kailangan.

Maaaring true sa iilan, pero ayon sa longevity expert na si Susan Pinker ang totoong pampahaba ng buhay ay wala sa mga nabanggit.

Matapos mapag-aralan ang lugar sa isang Italian island sa Mediterranean na kilala sa mga residenteng may mahahabang buhay, nabatid na may isang kadahilanan para kung bakit humahaba ang buhay ng tao nang hindi pinapansin.

Ayon kay Pinker, sa developed world mas mahaba ang buhay ng mga kababaihan ng anim hanggang walong taon kaysa kalalakihan.

Subalit may isang lugar sa mundo na binabalewala ang nasabing trend na ito. Ito ay ang bulubunduking lugar sa Sardinia, na isang Italian island sa Mediterranean na nasa pagitan ng Corsica at Tunisia.

Animnapung beses na mas maraming centenarians dito kaysa sa Italian mainland, na nasa 200 milya ang layo rito; at 10 beses na mas madami kumpara sa North America. Ito rin ang natatanging lugar kung saan mas mahaba ang buhay ng lalaki kaysa sa kababaihan.

At bakit nagkaganoon?

Nadiskubre ni Pinker na ang genes ay bumibilang lang ng 25 porsiyento para sa kanilang mahabang buhay at ang 75 porsiyento ay nasa kanilang lifestyle o pamumuhay.

Ayon pa kay Pinker namumuhay ang mga tao rito sa maliliit na bahay sa mga maliliit na iskinita at kalye.
Nangangahulugan din ito na ang mga naninirahan dito ay palaging nagtatagpo.

Kaya ano pa ang mga datos na nagpapakita sa kanilang mahabang buhay?

Close relationships

Nabatid din ni Pinker na ang numero unong dahilan para sa mahabang buhay ay ang “close relationship” ng isang indibidwal sa kanyang pamilya, kamag-anak o kapitbahay. Ito yung pagkakaroon niya ng taong malalapitan kung ikaw ay nangangailangan ng tulong at makakausap mo kung dumadaan sa krisis.

Social integration

Ang ikalawang dahilan naman ayon kay Pinker ay ang “social integration” o pakikipag-ugnayan sa ibang tao habang tayo ay nabubuhay sa bawat araw. Ito rin ay tumutukoy sa dami ng tao na ating nakakausap.

Bakit ito kailangan? Dahil ang “face-to-face interaction” ay naglalabas ng mga neurotransmitters at nagsisilbi itong proteksyon sa iyo ngayon hanggang sa hinaharap.

Ang pagkakaroon ng eye contact sa ibang tao, pakikipagkamay at pagbibigay ng high-five ay sapat na para maglabas ng oxytocin, na nagpapatatas ng lebel ng iyong pagtitiwala at nagpababa ng lebel ng cortisol, na nagpapababa ng stress sa iyo. Nagdudulot din ito ng dopamine na nagpapalakas sa atin at pumapawi ng sakit.

Ang lahat ng ito ay dumadaan naman sa ating kamalayan kung kayat marami sa atin ang inuugnay ang online activity sa totoong bagay. Subalit sinabi ni Pinker na mayroon na tayong tunay na ebidensiya na mayroong pagkakaiba rito.

Read more...