May-ari ng TOFARM filmfest gagawa na rin ng romcom, action, LGBT movie


SINAGOTt ni Dr. Milagros How, President and CEO of Universal Harvester, ang tanong kung bakit si Direk Joey Romero at sa manunulat na si Bibeth Orteza ang napili niya bilang Managing Director at Festival Director respectively ng 3rd TOFARM Film Festival.

“I can see na magiging successful ang cooperation. Madali silang kausap. And mapi-feel mo agad kung magkakasundo kayo, e. So, malaking bagay ‘yun, e.

“Kapag ‘yung kakausapin ko natatakot ako, kapag magbibigay ka suggestion medyo mahirap ‘yun, ‘di ba? So, kaya kong ma-explain, masabi ‘yung mga problema,” paliwanag niya during the grand launch of this year’s TOFARM filmfest.

Marami pang plano si Dr. How na gawin this year. Una na sa TOFARM, sa ikatlong taon nito ay magkakaroon na rin sila ng TOFARM Short Film Competition na pamamahalaan ni Direk Joey.

Open sa lahat ng amateur filmmakers ang TSFC na pwedeng mag-submit ng kanilang entries from July 15 to Aug. 15.

Shot on a cellphone with not less than one minute pero ‘di sosobra sa 10 minutes. Puntahan ang www.TOFARM.org na site para sa form at iba pang details.

Pangalawa, Dr. How also announced her plans of producing commercial films, at least six movies this year. Nalungkot daw kasi siya na ang mga pelikula nila sa TFF ay ‘di masyadong napapalabas sa movie houses.

“Kasi namimili lang ata sila ng malakas na benta. Kaya gagawa na kami ng commercial films. Meron tayong romcom, LGBT, action, comedy. Walang X-Rated, ha.

“At kung ano ‘yung hinihingi ng masa, meron din kami. But we will preserve our TOFARM, ito kasi ay advocacy. So, ihihiwalay namin ‘yun,” pahayag pa ni Dr. How.

The weeklong 2018 TOFARM filmfest will run from Sept. 12 to 18, with the awards night on Sept. 15. Deadline of submission is on April 20.

Read more...