Hashtag member pinakasalan agad ang babaeng nabuntis; suspended pa rin sa Showtime

KAHIT hindi napapanood sa It’s Showtime ang Hashtag member na si Jon Lucas ay may kumukuha pa rin sa kanya na mag-perform sa iba’t ibang probinsya.

Tulad ni Bugoy Carino, isa rin si Jon sa Hashtags ang napabalitang nakabuntis daw.

According to our source, out na raw pareho sina Jon at Bugoy sa Showtime dahil sa “buntisan” isyu. Binigyan ng “temporary suspension” sanction ang dalawang Hashtag members.

Ang balita, bago pa man daw mag-leak sa press ang balita na nakabuntis siya ay pinakasalan na raw ni Jon ang babae.

Kailangan daw panagutan ng young actor ‘yung girl dahil bawal sa kinaaaniban niyang relihiyon (Iglesia Ni Cristo). Or else, itatakwil daw siya bilang INC member.

Samantala, may mga ipinost naman si Bugoy sa kanyang social media account na indirect denial sa kinasasangkutan niyang issue. Pero wala pang diretsahang pagtanggi o pagkumpirma tungkol dito.

Nagtataka lang ang aming source kung bakit may ganu’ng sanction kina Jon at Bugoy. Bakit daw ang isa pang member ng Hashtag na si Nikko Natividad?

Hindi ba’t lantad na ang pagiging binatang-ama nito na inamin pa niya sa Pinoy Big Brother house years ago? E, bakit daw until now ay member pa rin ng grupo si Nikko at lumalabas pa rin sa Showtime?

Read more...