12 tren na bumibiyahe sa MRT

MRT

Umakyat na sa 12 ang bilang ng bumibiyaheng tren ng Metro Rail Transit 3.
Kahapon sinabi ni Aly Narvaez ng DoTr-MRT, 12 tren na ang bumiyahe alas-6:12 ng umaga. Dahil mas maraming tren ang paghihintay ng mga pasahero sa pagdating nito ay pitong minuto na lamang.
Unti-unting nadaragdagan ang tren ng MRT na bumibiyahe mula ng magsimulang dumating ang mga piyesa na inorder nito.
Sa Mahal na Araw ay hindi bibiyahe ang MRT 3 mula Marso 28 hanggang Abril 1.
Gagamitin nito ang panahon para mas maraming tren ang magawa at mapabiyahe sa pagbabalik ng serbisyo sa Abril 2.

Read more...