Valedictorian ng PMA “Alab-Tala” Class 2018 tumanggap ng house and lot

 

PINAGKALOOBAN ni Pangulong Duterte ng house and lot ang nagtapos ng valedictorian sa Philippine Military Academy (PMA) na si Jaywardene Galilea Hontoria matapos pangunahan ang seremonya sa Baguio City.

Pinangunahan ni Hontoria ang mga nagtapos mula sa PMA “Alab-Tala” Class 2018.

Ibinigay ni dating senador Manny Villar ang house and lot mul sa Camella homes sa Iloilo City.
“But anyway, sabi ko nga huwag kayong matakot. Just do your duty in accordance with law, ako na ang bahala sa inyo,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.
Kasabay nito, ipinagtanggol ni Duterte ang desisyong kumalas na ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

“Ang sinabi ko lang withdraw simply because to announce to the world and I will convince everybody now who are under the treaty sa ICC — get out, get out, bastos ‘yan,” sabi ni Duterte.

Read more...