DA who ang isang Assistant Secretary at kanyang staff na nahuli ng isang guard na nagmimilagro sa loob ng CR ng Malacañang?
Usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng Palasyo ang pagkakahuli sa isang mataas na opisyal at kanyang staff ng isang guwardiya habang may ginagawang kahalayan sa loob ng CR ng Malacañang.
Pinagpipiyestahan ngayon ang kontrobersiyal na opisyal at staff, na hindi man lamang iginalang ang sagisag ng Palasyo sa kanilang ginawa.
Ayon sa kwento, nag-iikot ang guwardiya para sa kanyang regular na rounds sa gabi nang marinig ang kakaibang ingay sa CR, at nang tingnan niya kung saan ito nanggagaling, nagulat siya sa kanyang nasaksihan.
Maraming nagtatanong kung bakit sa CR ito ginawa ng mahalay na opisyal at kanyang staf gayong may opisina na naman sila? Ang sagot, madali kasi silang mabubuko roon dahil may mga CCTV sa kanilang tanggapan, kayat umiwas sila at baka mai-video ang kanilang pagmimilagro.
Hanggang sa labas lang kasi ng CR ang abot ng CCTV at bawal sa loob.
May dati na kasing insidente na nakunan ng CCTV ang isang pinuno ng isang ahensiya at kanyang staff na may kakaiba ring ginagawa.
Balik tayo sa Asec, saan nga bang departamento siya naka-assign sa Malacanang? Napakahirap pumasok sa gusali na kinabibilangan ng kontrobersiyal na Asec at staff nito kayat maraming nagulat na ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganitong iskandalo.
Nagtatanungan tuloy ang marami kung bakit kasi hindi na lang nagpunta sa motel o hotel ang dalawa; bakit hindi nakatiis sa kanilang kahalayan.
Kung tatanungin naman kung bakit hindi na lang sa motel nagpunta ang dalawa, ang sagot, bukod sa marahil ay hindi na nakapaghintay ang dalawa, pareho kasing may mga sabit ang mga ito.
Gusto n’yo pa ba ng clue? Bagong-bago ang gusali ng dalawang sangkot sa ating kwento. Makailang ulit na kasi ang renovation ng building.
Makailang ulit na ring nasangkot sa kontrobersiya ang opisina na kinabibilangan ng Asec.
Ang tanong ng lahat, madidisplina kaya ang dalawa sa kanilang ginawa?
Ang biruan tuloy, hindi man lamang nasindak ang dalawa sa Presidential Security Group (PSG) ng Pangulo.
Dapat ay makarating man lamang sa kalihim ang ginawa ng dalawa at maging sa Civil Service Commission (CSC).